Posted in poetry, poetry, poetry

Akala

Akala ko ito na.

Akala ko tayo ang tinadhana.

Akala ko tayo na.

 

Akala ko wala nang gagambala.

Na wala nang mang-aabala.

Akala ko ‘di ko na kailangang maniwala

sa mga sabi-sabi nila

na nakamamatay ang maling akala.

Nakamamatay sa sakit na nadarama.

At sisihin na ang oras ay hari ng sama.

Hindi mo ba naaalala,

ang ating pagsasama

at kaya mo na lang i-dura?

 
Dahil akala ko ipaglalaban mo.

Naniwala sa mga mata mong puno ng amo.

Puso ko’y parang putol na puno

dahil naniwala sa iyong mga kuno.

 
Nakamamatay ang maling akala.

Ngayo’y puso ko’y tadtad ng bala.

Isipan ay tadtad ng masasakit na alaala.

Puno ng bakit, bakit may umabala?